PNP Chief Cascolan, pabor sa pagbaba ng height requirement ng PNP

Pabor si Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Camilo Pancratius Cascolan na ibaba ang height requirement ng mga pulis.

Ayon kay Cascolan, makakatulong ito sa kanilang recruitment dahil mas marami ang magiging kwalipikado na mag-apply.

Dati aniya ay hindi sila umaabot sa 7,000 aplikante, pero posible na aniya nilang maabot ang kanilang 10,000 taunang quota sa pagbaba ng height requirement.

Magugunitang aprubado na ng Senado ang pagbaba ng height requirement ng mga lalaking pulis sa 5’2” mula sa 5’4”, at 5-ft. mula sa 5’2” sa mga babae.

Pero nilinaw ni Cascolan na mayroon pa rin mataas na height requirement sa pag-assign ng mga tauhan sa mga “Special units” tulad ng Aviation Security Group.

Kailangan kasi aniya ng matatangkad na pulis sa naturang unit, bilang “showcase” ng PNP sa mga dayuhang dumarating sa paliparan.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.