PNP Chief Gamboa, nagpaalam na sa mga tropa

Unti-unti nang nagpapaalam sa mga tropa si Philippine National Police Chief PGen. Archie Francisco Gamboa habang papalapit na ang araw ng kanyang pagreretiro sa serbisyo.

Ito ang sinabi ni PNP Spokesperson PBGen. Bernard Banac, matapos na magpaalam si Gamboa sa kanyang mensahe sa inauguration ng Museo ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas sa Camp Crame kahapon.

Dito’y sinabi ni Gamboa na itinuturing niya ang museo bilang isa sa kanyang mga iiwanang legacy sa PNP.

Sa PNP Museum aniya maalala ang mga kabayanihan ng mga pulis na tumatak sa kasaysayan ng PNP.

Sa ikalawa ng Setyembre ngayon taon, nakatakdang magretiro si Gamboa pagsapit ng kanyang ika-56 na kaarawan.

Si Gen. Gamboa ang pangatlong miyembro ng PMA Sinagtala class of 1986 na naging PNP Chief, kasunod ni Gen. Oscar Albayalde at Senador Ronald “Bato” dela Rosa.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.