PNP Chief Gamboa, Pinuri ang PRO13 sa pagkakaaresto sa founder ng KAPA Community Ministry

Pinuri ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Archie Francisco Gamboa ang Police Regional Office 13 o CARAGA sa pagkakaaresto kay KAPA Community Ministry International Founder Joel Apolinario at 23 armadong tauhan nito sa isang resort sa Sitio Dahican, Brgy. Handamayan, Lingig, Surigao del Sur.

Sa isinagawang operasyon ay napatay ang dalawang tauhan ni Apolinario habang isa ang nasugatan na dinala sa Bislig City District Hospital.

Ayon kay Gamboa, ang pag-aresto kay Apolinario ay alinsunod sa direktiba ng Pangulo matapos mabiktima ng KAPA sa sinasabing investment scam ang mga miyembro ng grupo sa Visayas at Mindanao.

Sinabi ng Chief PNP na simula Enero ngayong taon ay mino-monitor na ng PNP Caraga ang mga kilos ni Apolinario.

Inilunsad aniya ang operasyon dahil sa ulat na may mga hindi lisensyadong high-powered firearms na pinag-iingatan si Apolinario.

Narekober ng mga operatiba ang samu’t saring matatas na kalibre ng armas na nasa posesyon ni Apolinario.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.