PNP Chief Gamboa sa mga protesters sa SONA ni Pangulong Duterte “just do it online”

Hinimok ni Philippine National Police (PNP) chief Police General Archie Francisco Gamboa ang mga nagbabalak magkilos-protesta sa ika-limang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte na gawin na lamang ito online.

Aniya, dapat ikonsidera ng mga pulis ang bantang dala ng pandemya sa bansa.

“Doon naman sa may mga planong mag-protesta again lalo na dito sa SONA, nakikiusap lang kami na kung puwede just do it online because these are not ordinary times,” ayon kay Gamboa sa isang virtual press briefing.

“Nakita niyo naman in the past SONA na inallow naman natin ‘yung protest but now we have a specific situation which is itong pandemic,” dagdag pa nito.

Umaasa ang PNP chief na makikipagtulungan ang publiko sa kanyang panawagan.

“It’s not only for our own good but also for you and for others lalo na dito sa prohibitions ng mass gatherings,” pahayag pa nito.

Nauna nito, sinabi ni Senate President Vicente Sotto III na ihahatid ni Pangulong Duterte ang kanyang SONA sa Batasang Pambansa sa Hulyo 27. Aniya, 50 indibidwal lamang ang papayagang dumalo sa venue.

Subalit ayon kay presidential spokesperson Harry Roque, hindi pa nito makumpirma kung pisikal na dadalo ang Pangulo sa Batasang Pambansa.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.