PNP Chief Sinas, nagpatupad ng balasahan sa police officials

Agad ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Debold Sinas ang balasahan sa kanilang hanay ilang araw pa lamang makaraan ang kanyang pag-upo.

Ito ang kinumpirma ni Sinas sa Philippine News Agency (PNA) at sinabing si Brig. Gen. Ildebrandi Usana ay itinalaga na bilang Directorate for Police Community Relations at magsisilbing bagong PNP spokesperson na pumalit kay Col. Ysmael Yu.

Inilipat naman si Yu sa Personnel Holding and Accounting Unit (PHAU), Directorate for Personnel and Records Management (DPRM).

Gayundin ay nalipat si Brig. Gen. Benjamin Casuga Acorda Jr. sa PHAU, DPRM sa Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) kapalit ni Col. Thomas Rojo Frias Jr. mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO).

Nagpalit naman ng posisyon sina Brig. Gen. Armando de Leon at Brig. Gen. Ronald Oliver Lee kung saan si De Leon ay inilagay sa Directorate for Human Resource Doctrine and Development habang si Lee ay sa PNP Drug Enforcement Group.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.