PNP Chief Sinas sa NPA- Walang Pasko o ceasefire

Hindi tatantanan ng Philippine National Police (PNP) ang New People’s Army (NPA) ngayong Pasko, alinsunod sa desisyon ng Pangulo na hindi magpatupad ng holiday ceasefire.

Ito ang inihayag ni PNP Chief General Debold Sinas kasabay ng pagsabi na aktibong tutugisin ng PNP ang mga NPA na wanted ng batas.

Pero siniguro ng PNP chief na tatanggapin naman ng PNP ang mga NPA na magbaba ng armas at boluntaryong susuko sa pamahalaan.

Iniulat ng PNP chief na kahapon lang ay tinanggap nila ang pagsuko ng limang NPA sa Eastern Visayas.

Kinilala ang mga ito na sina Ma. Rechiel Yrigon aka ‘Suyang’, Ronalyn Lucendo Capoquian aka ‘Babi’, Francisco Dacles Jr. aka ‘Jimboy’, Rio Bersola aka ‘Jepoy’, at Apolonio Pabilando Jr. aka ‘Kaskid/Oscar/Polie’.

Ang mga nagbalik-loob ay dating kasapi ng SRC Browser at Jorge Bolita Command ng CPP-NPA Eastern Visayas Regional Party Committee.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.