PNP CIDG nangangamba sa pakalat-kalat na mga Chinese COVID-19 patient

Nangangamba ang isang pulis na nanguna sa pagsalakay sa isang iligal na ospital sa Pampanga na hindi nagamot nang maayos at hindi nai-quarantine ang mga pasyenteng Chinese na kumonsulta rito.

Ani Brigadier General Rhoderick Armamento, deputy director ng Philippine National Police (PNP) Criminal Investigation and Detection Group, nasorpresa sila nang makita ang mini-hospital sa loob ng Villa 627 ng Fontana Leisure Park, na halatang nanggagamot ng mga coronavirus patient.

Sa nangyaring raid, nahuli ng PNP ang isang Chinese na ginagamot doon matapos makaranas ng ubo at pamamaga ng lalamunan.

“Ang mga dinadalang pasyente doon accordingly ay may mga problema sa respiratory diseases such as inuubo, sinisipon, namamaga ang lalamunan. Lahat po ‘yun ay manifestation na meron kang COVID-19,” saad ni Armamento sa CNN Philippines.

“Ang very risky po dito is come and go lang sila, hindi po sila nagpapa-quarantine. Nagpapa-check up lang. Pangalawa, hindi sila nagku-quarantine kung talagang may mga karamdaman silang ganoon. One thing’s sure, kumakalat pa rin sila,” dagdag niya.

Dinala na raw sa lehitimong ospital ang nahuling Chinese patient at dalawang staff para masuri sa COVID-19.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.