PNP, iginiit sa Senado na shoot out at hindi rub out kaya napatay si Richard Santillan

watch the video here

Iginiit ngayon ng Philippine National Police (PNP) na shootout ang naganap sa nangyaring engkwentro sa Cainta, na ikinamatay ng aide ni dating Representative Glenn Chong.

Sa ginawang pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs, pinabulaanan ni PNP Chief Supt. Edward Carranza ang pahayag ni Chong na rub out ang naganap.

Ayon kasi sa dating mambabatas, siya ang dapat na target sa ambush at hindi ang kanyang aide na si Richard Santillan.

Pero ayon kay Carranza, may kaugnayan si Santillan sa “Highway Boys” na responsable umano sa iba’t ibang krimen.

Itinanggi rin ng PNP official, na tinorture ang bangkay ni Santillan.

Aniya, puro lamang espekulasyon ang mga alegasyon na inihayg ng dating kongresista sa senate inquiry.

Samantala, pinag-aaralan na ngayon ng PNP legal team ang pagsasampa ng kaso laban kay Atty. Chong sa umano’y pangingialam sa mga ebidensya. (RP)

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.