PNP iimbestigahan ang mga basurang PPE, facemask at gloves na ikinalat sa EDSA

Pinaiimbestigahan na sa Philippine National Police ng Metro Manila Development Authority ang nagkalat na personal protective equipment sa EDSA malapit sa harapan EDSA Monument sa Quezon City.

Ayon kay MMDA official Bong Nebrija, may tatak ng isang ospital ang natagpuang mga PPE na binubuo ng mga face mask, glove at iba pa.

Tinawagan na ni Nebrija si PNP Gen. Guillermo Eleazar, Joint Task Force COVID-19 Shield, para pangunahan ang imbestigasyon.

Hanggang sa sinusulat ito, wala pang palatandaan paano nangyari ang insidente at kung anong sasakyan ang responsible rito.

Nagkataon umanong nasa kabilang direksyon ang CCTV camera ng MMDA nang maganap ito at hindi nito nakunan ang pangyayari.

Gayunman, titingnan umano nila kung mayroon pang mga nakapwestong CCTV camera malapit sa lugar para gamitin sa imbestigasyon.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.