PNP Ilalabas muli ang Impormasyon tungkol sa top 10 most wanted matapos mahuli si Ex-Cong. Ecleo

Muling ikakalat ng Philippine National Police (PNP) ang mga larawan at impormasyon tungkol sa top 10 most wanted sa bansa, para mapabilis ang pagdakip sa mga ito.

Ito ang sinabi ni PNP Chief Police General Archie Francisco Gamboa, kasunod ng pagkakaaresto kahapon kay ex-Congressman Ruben Ecleo, na kabilang sa most wanted ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na may patong na P2 milyong sa kanyang ikadarakip.

Ayon kay Gamboa, may pabuya din para sa ikadarakip ng mga nasa top 10 most wanted, at target nilang malinis ang listahan sa lalong madaling panahon.

Inamin ni Gamboa, na possibleng may mali sa sistema ng PNP kaya inabot ng mahigit 14 na taon bago nahuli si Ecleo.

Iimbestigahan aniya nila kung paano malayang nakakakilos si Ecleo, na nakakapag-golf pa, sa kabila ng kanyang pagka kabilang sa most wanted.

Gayunpaman, pinuri ni Gamboa ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa matagumpay na pagkakahuli kay Ecleo kahapon sa Pampanga sa bisa ng arrest warrant para sa Violation of Sec. 3 (e) of RA 3019 “Anti-Graft and Corrupt Practices Act,” na inisyu ng 1st Division Sandiganbayan.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.