PNP, magdedeploy ng 339 police medics para tumulong sa mga ospital

Nakalikom na si Philippine National Police Deputy Chief for Administration, Lt. Gen. Camilo Pancratius Cascolan ng 339 pulis na nakapagtapos ng kursong may kaugnayan sa medisina.

Ayon kay Cascolan, ang mga ito ay idedeploy sa mga ospital para tumulong sa mga healthworkers na gamutin ang mga pasyente ng COVID-19 batay sa kautusan Ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Cascolan, ang nasabing mga pulis ay hindi pa nagpa-function bilang medtech kaya sila ay magiging karagdagan sa PNP medical corps.

Ang mga medtech cop ay bibigyan muna ng briefings sa ilalim ng health services bago isalang sa iba’t ibang ospital.

Bukod sa nasabing bilang, patuloy pang kino-consolidate ni Cascolan ang information data sheet o 201 file ng kanilang mga tauhan mula sa patrolman pataas, upang matukoy kung sino ang may background sa medisina at health care.

Kahapon ay sinabi na ni PNP Chief Gen. Archie Francisco, na inatasan niya si Cascolan bilang komander ng Admin Support to COVID-19 Operations Task Force na re-evaluate ang medic personnel gayundin ang paghahanap sa mga tauhang may background sa medisina para tulungan ang mga health worker.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.