POEA nagbabala sa publiko vs. online illegal recruitment

Nagbabala noong Mayo 31 ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) sa publiko, lalung-lalo na sa mga nais maging overseas Filipino workers, laban sa raket na online illegal recruitment na nangangako ng “deployment after the lockdown” o “work interview after quarantine”.

Sa inilabas na Advisory No. 62, sinabi ng POEA na dapat maging maingat ang publiko laban sa mga mapagsamantalang indibidwal na kunwari ay magpapakilalang officers and staff ng licensed recruitment agencies para makaakit ng mga aplikante.

“The public is warned of promises of online scammers for job interview and deployment after the ‘lockdown’ or after ‘lifting of the quarantine’, ‘PM (private message) if interested’, ‘click link for more details’. The advertisements ask for reservation fees and/or personal information from unsuspecting applicants,” ayon sa advisory.

Sinabi rin ng POEA na ang ilegal na aktibidad ay gumagamit din ng fake emails and websites, at maging ng fake job advertisements sa social media gaya ng Facebook.

“POEA warns the public to ignore these online advertisements and not to give or deposit money, especially through remittance centers such as Western Union, Cebuana Lhuillier, or Palawan Express, or money transfers thru GCash, 7/11, or PayPal. Further, please be warned about providing sensitive personal information, such as full names, birthdates, addresses, etc., as these may be used in criminal activities,” paalala pa ng ahensya.

Ipinaliwanag ng POEA na ang online job advertisements ay dapat gawin lang ng licensed recruitment agencies at sumusunod sa guidelines gaya ng malinaw na indikasyon ng pangalan ng licensed agency, ang kanilang agency registration number, job positions, qualifications, salaries, at iba pa.

Kung wala ang mga ganitong impormasyon, pinayuhan ng POEA ang publiko na huwag papatulan ang advertisements.

“Payments, when allowed, must only be made to licensed recruitment agencies, and corresponding official receipts must be issued,” ayon pa sa POEA.

Para sa mga naghahanap ng trabaho sa abroad, gamitin ang POEA verification system ng POEA website (www.poea.gov.ph) o mag-email sa POEA Information Center: info@poea.gov.ph para maberipika ang mga bakanteng trabaho at job orders. Mag-apply lang sa mga trabahong may job orders.

Pinayuhan din ng ahensya ang publiko na i-report agad ang mga kahina-hinalang online recruitment sa Anti-Illegal Recruitment Branch Operations and Surveillance Division sa email na ito: poea_airb_osd@yahoo.com o itawag sa 0919-067-4206.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.