Police general na nagsaktan sa chopper crash sa laguna, pumanaw na

Pumanaw na si Police Major General Jose Maria Ramos, isa sa mga nasaktan sa pagbulusok ng helicopter nitong Marso.

Kinumpirma ito ni Philippine National Police (PNP) spokesman Police Colonel Ysmael Yu.

Ayon sa ulat, pumanaw si Ramos dakong 12:07 ng umaga.

Ito ay matapos ma-comatose ng ilang buwan.

Matatandaang nitong Marso 5, sumabit ang helicopter sa isang wire dahilan ng pagbulusok nito sa San Pedro, Laguna.

Kasamang nasugatan sa insidente sina retired police general Archie Francisco Gamboa at dating PNP spokesman Police Brigadier General Bernard Banac.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.