Polisiya ng Pangulong Duterte na manatiling kaibigan ng lahat ng bansa, sa gitna ng ginawang paninindigan nito sa arbitral ruling

Hindi magbabago ang polisiya ng Pilipinas na “friend to all, enemy to none.”

Ito ang binigyang diin ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque sa gitna ng binitiwang pangako nito na paninindiganan ng bansa ang 2016 arbitral award at pabulaanan ang territorial claim ng China sa South China Sea.

Sabi ni Roque, mananatiling nakatuon ang Pilipinas sa interes nito at interes na mapanatili ang friendly relations sa kahit alinmang nasyon sa mundo.

Hindi ani Roque makikisawsaw ang bansa sa giriian ng mga tinaguriang super powers na kung saan ay nakikitang patuloy na tumataas ang tensiyon.

Wika nga ng Pangulo sabi ni Roque, maaaring may hindi pagkakaunawaan sa isat isa ang malalaking bansa pero huwag naman sanang humantong na manaig ang matinding galit sa kanila.

Iginiit naman ni Roque na kahit kailan ay hindi naman nagbago ang tindig ng Pilipinas sa posisyon nito sa arbitral ruling.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.