Pondo ng DOTr binawasan – Sen. Poe

Ayon kay Senator Grace Poe tinapyasan ang pondo ng Department of Transportation (DOTr) sa P94 bilyon.

Ito ay mula sa P145 na inisyal na inihaing pondo ng departamento.

“The reason is most of those projects that they have lodged in DOTr was for rail, and seeing the phase of what they needed for that and the demand on other things like COVID response, we thought that the DOTr won’t be able to spend it anyway next year,” saad ni Poe sa isang panayam ng ANC.

Lahad pa ng senador na inilaan ang binawas na pondo upang masigurong may pondo para sa COVID-19 vaccine at healthcare service sa susunod na taon.

Sa bersyon ng badyet ng Senado, P83 bilyon ang inilaan sa pagbili ng bakuna at pag-aangkat nito.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.