Pormal na deklarasyon sa CPP-NPA-NDF bilang terorista ng Anti-Terrorism Council, ikinatuwa ng AFP

Nagpahayag ng kasiyahan ang Armed Forces of the Philippines sa pormal na resolusyon ng Anti-Terrorism Council (ATC) na nag-“designate” sa CPP-NPA-NDF bilang terrorist organization.

Ayon kay AFP Spokesperson Marine MGen. Edgard Arevalo malaki ang pagkakaiba ng “designation” o pagkilala sa simpleng “proscription” o pag-kondena, dahil sa maari nang ipataw ang buong pwersa ng batas laban sa mga komunista.

Sinabi ni Arevalo na dahil sa deklarasyon, may kapangyarihan na ngayon ang Anti-Money Laundering Council na silipin ang mga deposit ng ilang mga miyembro ng CPP-NPA sa mga banko at maari nang i-freeze ang kanilang pera, para hindi magamit ang pondo sa paglaban sa gobyerno.

Paliwanag ni Arevalo, malaki ang impact nito sa mga operasyon ng militar laban sa NPA dahil ang nilikom na pondo ng NPA mula sa kanilang extortion activities ay ginagamit na pambili ng armas at mga pampasabog.

Bukod sa NPA, idineklara din ng ATC bilang terorista ang ISIS, Maute Group at Daulah Islamiyah at ilan pang mga associated groups.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.