Posibilidad na Magnitude 7.2 na lindol sa Mindanao pinangangambahan

Inihayag ng Philippine Institute of Volcanology and Seimology (Phivolcs) na may posibilidad na tumama sa Mindanao ang napakalakas na 7.2 magnitude earthquake.

Ayon sa Phivolcs, maaari ang senaryong ito kapag gumalaw ang Makilala-Malungon Fault.

“Ine-entertain namin lahat ng possibilities sa lahat ng aktibong fault doon. Pero ang pinakamalala nga na scenario is having the Makilala-Malungon Fault that would move,” wika ni Ishmael Narag, officer-in-charge ng Seismological Observation and Earthquake Prediction Division ng Phivolcs.

“Based on the length of that fault (Makilala-Malungon) puwede itong mag-generate ng magnitude-7.2 earthquake, that’s assuming na magra-rupture itong napakahabang fault na ito. Kung ikukumpara natin ito dun sa [magnitude] 6.6, mas matindi siyempre ‘yung pwedeng mangyari,” dagdag pa niya.

Dahil dito, round-the-clock ang monitoring ng Phivolcs sa mga active fault line sa naturang rehiyon.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.