Posibilidad ng “Face-to-Face Classes” muling tatalakayin sakaling gumanda ang sitwasyon bago ang school opening

May posibilidad pa rin na maging bukas si Pangulong Rodrigo Duterte para sa mas mahabang talakayan kung papayagan ba ang face-to-face (F2F) classes sa mga lugar na may zero cases ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) ayon sa Malacañang noong Hunyo 11.

Ito ang naging komento ni Presidential Spokesperson Harry Roque matapos sabihin ni Commission on Higher Education (CHED) Chairman Prospero de Vera na pinag-aaralan nila ang posibilidad na payagan ang limitadong F2F classes sa Covid-19-free areas.

“I am sure the President is open to further discussion on the possibility of face-to-face, pero uulitin ko po, habang may banta ang Covid sa isang lugar, eh, out of the question po iyan,” ayon kay Roque.

Ayon pa sa kalihim, ang Covid-19 situation ay maaaring gumanda pa sa susunod na dalawang buwan bago magbukas ang mga klase.

“We will see po what will happen in the next few months kasi Agosto pa naman po ang simula ng klase,” pahayag pa ni Roque.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.