Prayoridad sa COVID vaccine: Health workers, militar, pulis, mahihirap na Pilipino at COVID-19 patients

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na sa oras na magkaroon na ng COVID vaccine ang Pilipinas, bukod sa mga tinamaan na ng COVID-19, prayoridad ng pamahalaan na mabigyan ng bakuna ang mga health worker, militar at pulis.

Paliwanag ng Pangulo, kailangan niya ng matatag na backbone ng gobyerno, lalo at ang pinaka-pundasyon aniya ng kanyang administrasyon ay binubuo ng mga uniformed personnel.

“And also my military and my police because I need a strong backbone. The backbone of my administration is the uniformed personnel of government.” —Pangulong Duterte.

Sinabi rin ng Pangulo, na uunahing bigyan ng COVID vaccine ang mga mahihirap na Pilipino o iyung mga low income household, na pasok na sa listahan ng pamahalaan at tumatanggap na ng ayuda mula sa gobyerno.

Pagtitiyak ng Pangulo, libreng ibibigay ng pamahalaan ang bakuna para sa mga mahihirap.

“Ito ang i-guarantee ko: Ang listahan ng mga tao na makatanggap ng pera noon sa hirap ang una na bibigyan ng assistance, iyon ang category natin. Ang mauna ‘yung walang-wala at saka of course those in the hospitals, ‘yung mga sick or drying. Ang una talaga ‘yung mga tao sa listahan na tumatanggap ng assistance sa gobyerno. Ngayon, pangalawa, ‘yung middle-income. Libre ito. Hindi ko ito ipagbili.” —Pangulong Duterte.

Dahil dito, nananawagan si Pangulong Duterte sa mga Pilipino na konting tiis muna, at manatiling maging maingat.

Umaasa ang Pangulo na sa December, makakabalik na sa normal ang bansa, lalo at nasa Phase 3 na aniya ang clinical trials ng China sa dini-develop nilang COVID vaccines.

“Hintayin lang ho ninyo by December kung makatiis kayo kasi kung lalabas din kayo, matamaan kayo, patay rin eh. Ang mayroon ng- kasasabi ko nga kaya ako saludo talaga ako sa Chinese. Kayong iba diyan sige kayo daldal. Ang unang makuha nga natin siguro from China. ” —Secretary Roque.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.