Pre-registration sa National ID nagsimula na

Sisimulan ngayon araw ang pre-registration para sa national ID ayon Philippine Statistics Authority.

“Paglapit po sa inyo isa po sa standard ng proseso ay tanungin ang respondent kung willing siya magparehistro at ibigay ang kaniyang impormasyon. Pag hindi siya pumayag hindi po natin siya pwede ipilit at di rin pwede idemanda dahil ayaw niya,” ani deputy national statistician at Assistant Secretary Rosalinda Bautista.

Aniya sumusunod ang ahensya sa Data Privacy Act at tiniyak na ligtas ang impormasyon.

“May karapatan po ang bawat Pilipino na maprotektahan ang kaniyang personal information kaya po yung pagkuha namin ng impormasyon ay talaga pong napaka-secured. Sumusunod po kami sa Data Privacy Act ng 2012,” dagdag nito.

Nauna nang sinabi ng National Economic and Development Authority (NEDA) na kailangang maging automated ang pagkuha ng impormasyon at statistical system ng bansa sa gitna ng pandemya.

Nakatakdang bisitahin ng mga tauhan ng PSA ang limang milyong kabahayan hanggang Disyembre 30 sa mga lugar na mababa ang kaso ng COVID-19.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.