Pres Duterte: Dapat ng paghandaan ang iba pang mga virus na maglalagay sa peligro sa buong mundo

Naniniwala si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na kailangan na ring paghandaan ang ilan pang infectious disease, na posibleng umusbong sa gitna ng nararanasan pa ring problema sa coronavirus disease (COVID-19).

Sinabi ni Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque, na ayon sa Chief Executive, maaaring gawin ang kaukulang paghahanda sa pamamagitan ng research and capacity-building pagdating sa health technology development.

Nakikita din aniya ng Punong Ehekutibo, na kailangan ng paganahin ang ASEAN Center for Biodiversity.

Malaki ayon sa Presidente ang maiaambag nito, upang labanan ang
wildlife trafficking na makapipigil aniya sa pagkalat ng revent zoonotic diseases.

Ilang mga malulubhang sakit na tumama sa buong daigdig ang naiulat na galing sa mga hayop, gaya ng SARS na umanoy civet cat o alamid ang pinagmulan, habang ang AIDS naman ay galing umano sa chimpanzee, at galing naman daw ang COVID sa paniki.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.