Pres. Duterte, ‘di makikialam sa diskarte ni VP Robredo bilang anti-drug czar

Tiniyak ng Malacañang na hindi makikialam si Pangulong Rodrigo Duterte sa ano mang diskarte ni Vice President Leni Robredo bilang bagong anti-drug czar.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Spokesperson Salvador Panelo, bahala na ang Pangalawang Pangulo sa kung paano nito gagampanan ang malaking responsibilidad na nakaatang sa balikat nito ngayon.

Ganunpaman, binigyang diin ni Panelo na “accountable” pa rin ang Bise Presidente kay Pangulong Duterte, at ito naman aniya ang polisiya ng Chief Executive sa kahit kaninong opisyal ng pamahalaan, kabilang na ang mga nasa cabinet positions.

Matatandaang bukod sa korapsiyon, kabilang ang “incompetence” sa mga dahilan ng pagkakasibak ng mga dating government official mula sa kani-kanilang mga puwesto.

Dagdag ni Panelo, ito na rin ang pagkakataon para itama ni VP Leni ang mga nakita niyang mali sa pamamaraan ng pagsugpo ng pamahalaan sa ipinagbabawal na gamot, lalo’t may kapangyarihan na ito sa anti-illegal drugs effort sa ilalim ng Duterte Administration.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.