Pres Duterte, handang makaharap at makausap si Sabio na abogado ni Trillanes

Bukas si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na makausap si Jude Sabio, ang abogadong naghain ng reklamo laban sa kanya kaugnay ng serye ng patayan na isinisisi sa war on drugs ng Duterte administration.

Ang rason ng Pangulo ay nais kasi niyang malaman ang totoo direkta mula kay Sabio na nagpahayag ng kanyang intensyon na tumestigo laban kay Senador Antonio Trillanes.

Si Sabio bilang dating ally o kaalyado ni Trillanes ay nagsabing may kinalaman ang senador sa “Ang Totoong Narco List”, serye ng viral videos na nag-uugnay sa mga miyembro ng pamilya Duterte sa illegal drug trade.

“Yeah, you just tell the truth,” ang hamon ni Pangulong Duterte kay Sabio sabay sabing “You know, frankly, I have not met nor talked to the guy. What prompted him for a change of heart, I really do not know,”

Noong nakaraang linggo ay hiniling ng Office of the Solicitor General sa mga taga-usig ng pamahalaan ng Department of Justice na magpalabas ng subpoena oara kay Sabio kaugnay sa sedition raps laban kina Vice President Leni Robredo, Trillanes at iba pa.

Nabasura naman ang nasabing petisyon.

“So, unless magkausap kami matanong ko, ‘Bakit? Ano ba talaga ang totoo adre?’  If the truth favors Trillanes and all, fine. Kung it favors… May nag-file eh, pero hindi ako,” ayon kay Pangulong Duterte.

Samantala, sinabi ni Sabio na nangako si Trillanes na babayaran nito ang legal fees matapos siyang maging kinatawan ni self-confessed Davao Death Squad hitman Edgar Matobato.

Mariing pinabulaanan ni Trillanes ang alegasyon na ito ni Sabio.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.