Pres. Duterte, ibibigay ang natitira niyang contingent fund bilang cash assistance sa mga naapektuhan ng ASF

Gagamitin na ang contingent fund ng Office of the President para ibigay sa mga hog raiser na naapektuhan ng African Swine Fever (ASF).

Ito ay matapos na aprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hiling ni Agriculture Secretary William Dar, na gamitin na ang nabanggit na pondo mula sa tanggapan ng Pangulo.

Ang go signal ng Chief Executive ay ginawa sa gitna na rin ng hakbang ng Department of Agriculture (DA) na taasan ang ibinibigay na ayuda sa mga magbababoy, mula sa tatlong libo ay ginawa ng limang libong piso sa bawat baboy na ibibigay sa DA na hinihinalang tinamaan ng ASF.

Bukod dito, ay gagamitin din ang natitirang contingent fund ng Office of the President sa pagkakaroon ng cold storage areas sa mga daungan sa Maynila, Subic, Batangas, Cebu at Davao.

Ito ay upang mamonitor na maigi ang mga pumapasok na produktong karne sa bansa.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.