Pres Duterte, ibinida ang P620M business deal mula sa kanyang pagbisita sa Russia, at pagtayo ng nuclear power plant sa Pilipinas

Ibinida ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bitbit nitong tagumpay pabalik ng bansa mula sa katatapos na limang araw na official visit nito sa Russia noong nakaraang linggo.

watch the video here:

Sa kanyang arrival speech sa Davao International Airport nitong Linggo ng hapon, sinabi ng Pangulo na nakakuha siya ng mahigit  P620 milyon na business deals sa kasagsagan ng Philippines-Russia Business Forum sa Moscow.

Kabilang sa naani ng bansa ang pag-accredit ng Russia sa dalawang bagong Philippine fishery establishments kung saan mabibigyan ito na makapag-export ng tuna at iba pang mga produkto sa naturang bansa.

Bukod sa deals ay nakapagpirma din ang bansa ng mga kasunduan sa larangan ng mapayapang exploration ng enerhiya sa West Philippine Sea, scientific research, kultura at foreign policy consultations.

Umaasa ito na ang mga nakuhang kasunduan at kontrata ay makakagawa ng maraming trabaho at economic opportunities sa maraming Pilipino.

Inihayag din ng Pangulo ang kasunduan nila nina Russian President Vladimir Putin at Prime Minister Dmitry Medvedev na palawigin ang kanilang alyansa.  Ayon sa Pangulo, “We agreed to broaden and deepen our ties in security and defense, trade and investment, agriculture, energy, science and technology, and socio-cultural exchanges.”

Nagkaroon din ng kasunduan tungkol sa posilibidad na magtayo ng nuclear power plant sa Pilipinas.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.