Pres Duterte inendorso si Freddie Aguilar sa senado: Makakatulong siya sa bayan!

watch the video here:

Inendorso ni Pangulong Rodrigo Duterte ang de-kalibreng mang-aawit na si Freddie Aguilar para sa darating na 2019 midterm elections.

Duterte made the remark during the inauguration of the country’s first-ever “landport,” the Parañaque Integrated Terminal Exchange in Parañaque City on Monday.

Si Aguilar ay kumanta sa inagurasyon ng bagong Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) kung saan naging panauhing pandangal ang Pangulo.

Ipinarinig ni Aguilar ang kanyang bagong awitin patungkol sa mga paghihirap ng mga overseas filipino worker (OFW) at nakuha nito ang atensiyon ng mga bisita at mga opisyal na dumalo sa aktibidad.

Sinabi ng Pangulo na si Aguilar ay isang makabayan kaya’t hiniling sa publiko na ikonsidera ito sa darating na eleksiyon.

“Freddie is running for Senator. Wala akong hiningi sa inyo, kundi just consider, he is a brilliant man. Of course he can talk in English. But he is a singer that is his profession. Pero kung sabihin niyong bilib ako, lahat ng kanta niya there is a social message… Kaya ako, nakikiusap total dose man ‘yan, ibigay niyo sa isang nationalist, sa isang taong nagmamahal sa bayan,” he added.

Pabirong nagbanta si Pangulong Duterte na iisa-isahin niya ang mga ito kapag hindi ibinoto si Aguilar na aniya ay isang makabayan, at may tunay na malasakit sa mga ordinaryong Pilipino.

“In his time, in our generation, he has several messages for the Filipinos to remember. “Kaya ako, kasali kayo, ‘pag hindi niyo binoto ‘yan bantay kayo sa akin, isa-isahin ko kaya. Tulungan natin si Freddie because he is one exemplary, nationalist guy and do not ever think na Tagalog (lang kinakanta niya.) He is my friend, he is a brilliant guy, he can talk and he can help the country,” wika pa ng Pangulo.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.