Pres Duterte, ipinag-utos na arestuhin ang mga mahuhuling namemeke ng COVID-19 test result

Nagbabala si Pangulong Rodrigo Durterte sa mga traveler na gumagamit ng pekeng COVID-19 test result na ipa-aaresto ang mga ito.

Sa talk to the people address na ginanap sa Malacañang sa Maynila nitong Lunes ng gabi, sinabihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ilang kaukulang ahensya ng gobyerno at mga otoridad na huwag mag-atubili o matakot ang mga ito na sampahan ng kaukulang kaso ang mga mahuhuling gumagawa ng naturang iligal na gawain.

Napukaw ang atensyon ni Pangulong Duterte nang matanggap ang ulat na may ilang biyahero partikular ang mga papuntang Boracay na nahuling nagpresenta ng pekeng resulta ng COVID-19 RT-PCR test.

” It has come to my attention that some travelers arriving in various parts of the country, most notably in Boracay are presenting fake COVID-19 tests,” ani pangulo.

Dahil dito, ipinag-utos ni Pangulong Duterte sa Philippine National Police (PNP), Department of Tourism (DOT), at all local government units na ipatupad ang mahigpit na pagpapairal ng quarantine protocols at arestuhin ang mga namemeke ng COVID-19 test results.

” I am also directing the Department of Tourism, the Philippine National Police, and all local government to arrest those presenting fake tests and enforce strict compliance on protocols of local tourism.”

Kasunod nito, umapela ang punong ehekutibo sa publiko na huwag gawin ang iligal na hakbang lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Nitong June 9, apat na turista na byaheng Boracay Island isa Aklan ng nahuling nag-counterfeit ng kanilang coronavirus tests at QR codes sa Tabon Port sa Caticlan.

Maliban dito, may nauna na ring 7 turista galing sa National Capital Region (NCR) Plus bubble ang inaresto ng Boracay Police noong nakaraang linggo matapos madiskubre na peke ang gamit nitong RT-PCR tests.

Mababatid na pinahintulutan na ng gobyerno ang leisurely travel ng mga residente ng NCR Plus, sa mga lugar na nasa general community quarantine at modified general community quarantine.

Subalit kailangan lamang na mag-negatibo sa COVID-19 tests ang mga maglalakbay at susunod sa mga alituntunin na ipinapatupad ng mga lokal na pamahalaan.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.