Pres Duterte kay Robredo: “Please do not add fuel to the fire”

Nakikiusap si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na hindi na dapat palakihin pa ang apoy, dahil sisirain lamang nito ang pamahalaan.

“Please do not add fuel to the fire. You will just destroy government.” —Pangulong Duterte.

Pahayag ito ng Pangulo, makaraang sabihin ni Vice President Leni Robredo sa kanyang press briefing, na ang taumbayan na mismo ang kikilos at titindig kung wala namang mamumuno sa laban ng bansa sa COVID-19.

Ayon kay Pangulong Duterte, ngayong panahon ng pandemic, tila nagiging desperado na ang mga tao, kayat hindi na dapat dinadagdagan pa ng mga ganitong pahayag, lalo na kung wala naman aniyang basehan.

“At ito namang kay Leni, that in her ending statement said that kung hindi ko daw gawain, ng gobyerno, gagawain ng tao. Well, sa panahon itong pandemic medyo desperado ang mga tao tapos dagdagan ninyo na mga ganoon na wala naman kayong base, sana may ipakita kayo.” —Pangulong Duterte.

Ayon sa Pangulo, kahit naman masawi pa siya bukas, hindi nito maso-sulusyunan ang problema ng bansa.

Muling nakiusap si Pangulong Duterte, na huwag sirain ang gobyerno, dahil pag nagkataon, magugulo lamang aniya ang lahat.

“Huwag ninyong, huwag ninyong sirain ang gobyerno kasi masisira ang tao. ‘Pag nasisira ang gobyerno, lulutang tayo lahat. Maski na sabihin pa ninyo mamatay ako bukas, it cannot solve the problem of the country.” —Pangulong Duterte.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.