Pres Duterte, kinuwestiyon ang pananahimik ng CHR sa mga biktima ng mga inosenteng sibilyan

DUTERTE 1250

Muling nakatikim ng pangungunsiyensya ang Commission on Human Rights (CHR) mula kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Pangulong Duterte, bakit wala siyang naririnig na anumang reaksiyon mula sa human rights group sa tuwing may nabibiktima ng karumaldumal na krimen at may kumukondena sa kriminal.

Ayon sa Pangulo, ang problema sa CHR, na ang pagtuturing sa gobyerno ay kalaban na ang layunin ay sirain at wasakin ang pamahalaan.

Giit ng Punong ehekutibo sa Commission on Human Rights, isama sa ginagawang pagkundena at mag-ingay kapag may mga binibiktima ring mga kaawa-awa at inosenteng indibidwal ng karumaldumal na krimen gaya ng panggagahasa at pagpatay.

Dagdag pa ni Pangulong Duterte, mas marami ngang mga biktima na dapat ipagsigawang mabigyan ng hustisya kaysa sa mga drug suspek na napapatay sa mga illegal drug operation na kung saan, ang karaniwan pang pinagdududahan ay ang mga otoridad na nakakabarilan nito sa mga engkuwentro.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.