Pres Duterte, may banta sa kalaban ng gobyerno, i will declare a “Revolutionary Government”

watch the video here:

Nakatikim ng banat si Senador Franklin Drilon kay Pangulong Rodrigo Duterte matapos siyang payuhang magdahan-dahan sa pagpapa-review sa mga kontratang pinasok ng gobyerno.

May kinalaman ito sa kontrata ng gobyerno sa Maynilad Water Services Inc., kung saan nagbayad ng danyos ang gobyerno ng mahigit P3 bilyon.

Sa kanyang talumpati sa taunang convention ng Prosecutor’s League of the Philippines sa Puerto Princesa City, Palawan Huwebes ng gabi, sinabi ng Pangulo na hindi siya maaaring diktahan ng kahit sino para maghinay-hinay sa kanyang kautusan.

Hindi aniya nito hahayaang madehado ang mga Filipino para lamang paboran ang kontrata ng mga mayayaman at maimpluwensiyang elitista.

“I ordered the review of the contracts. And here comes Drilon saying that “be careful”. Be careful of what? Pareho man kami dumaan ng Department of Justice. Why should I be very careful in reviewing contracts that are not for the interest of the people? And the onerous and burden provisions there that the people have to honor, so you think that I will allow it just because we cannot impair the obligation of our contracts?” anang Pangulo.

Binigyang-diin ng Presidente na ang depektibong kontrata na hindi pabor sa interes ng mga Pilipino ay nabuo sa panahon ng senador kaya huwag aniya siyang itulak at sagarin ang kanyang pasensiya.

“Hindi ako kagaya nila, and telling me be careful of legalities… of what? P** i** how dare you say that to me, Mr. Drilon. Sa inyo ‘yan eh. There is a contract sir, this Republic of the Philippines cannot hinder, cannot interrupt in the matter of the rates… kaya sinabi ko …me will not honor. Eh ano kung magkagulo tayo? Do not push me to do it. Pag tinulak ninyo ako sa isang kanto…,” dagdag pa ng Pangulo.

Nagbanta rin ang Presidente na magdeklara ng suspension ng writ of habeas corpus kapag nasagad ang kanyang pasensiya at ipaaresto ang mga ito.

Marami aniya siyang problema sa kriminalidad, droga at rebelyon kaya huwag nang dagdagan pa kung ayaw ng mga ito na magkasubukan.

“I have enough problems with criminality, drugs, rebellion and all. Pero pag ako ang pinaabot niyo ng sagad, I will declare the suspension of the writ of habeas corpus and I will arrest all of you. Subukan ninyo ako, kasama kayo sa mga rebelde, mga kriminal pati durugista. Then pahirapan mo ako I will declare a revolutionary war until the end of my term, then pasensiyahan tayo. Come what may, hell or otherwise. I’m willing to be hanged, I’m willing to die,” wika pa ng Pangulo.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.