Pres Duterte: Mga corrupt, ‘di maubos kahit araw-araw ang pagsibak

Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na kahit ilang ulit na siyang nagsibak ng mga opisyales ng gobyerno na naiugnay sa korapisyon ay hindi pa rin maubos-ubos ang katiwalian sa pamahalaan.

Kaya ang Chief Executive ay humihingi na ng saklolo sa anti-corruption campaign nito nang humarap sa mga negosyante kagabi.

Sinabi ng Pangulo na kahit gaano kadalas pa ang kanyang ginawang pagsibak sa mga korap na government officials ay hindi niya talaga kakayanin kung hindi siya tutulungan.

Kaya ang apela niya sa sektor ng pagnenegosyo, tulungan siya sa paraang ipaalam sa kanya ang anomang naririnig na may kinalaman sa katiwalian kahit na kaunting detalye man lamang.

Sa pamamagitan aniya nito ay mas makakapaglingkod siya ng mas maigi sa bansa at maisasakatuparan ang kanyang ipinangako sa tao.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.