Pres Duterte, muling dinepensahan si DOH Sec. Duque sa mga kritiko

Muling ipinagtanggol ni Pangulong Rodrigo Duterte si Health Secretary Francisco Duque sa mga nananawagang magbitiw na ito sa puwesto.

Tanong ng Pangulo sa mga kritiko, ano ang naging kasalanan ni Duque na wala namang kinalaman sa pagdating ng sakit na coronavirus sa bansa.

Hindi naman aniya si Duque ang nagbitbit o nag-importa ng sakit sa Pilipinas na ayon din sa Pangulo ay laging naroroon at nakatutok sa sitwasyon ng pandemya.

Kung may naging aberya aniya sa datos na nailalabas sa publiko, ito ayon sa Pangulo ay dahil na rin sa kulang at minsan ay mali ang mga pigura na nakararating sa Department of Health (DOH).

Sadya aniyang mahirap magbilang dagdag ng Pangulo lalo’t may mga COVID cases na gumaling lang sa bahay at hindi na pumunta ng ospital.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.