Pres Duterte, muling ipinaabot ang imbitasyon nito kay Russian Pres Putin para makapunta sa Pilipinas

Muling inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang imbitasyon nito kay Russian President Vladimir Putin para makabisita sa bansa.

Ginawa ng Pangulo ang muling pag-iimbita sa lider ng Rusya sa ginawa nitong pagtanggap sa bagong ambassador ng Russia sa Pilipinas na si Ambassador Marat Ignatyevich Pavlov at anim na iba pang bagong ambasssor mula sa ibang mga bansa.

Sa mensahe ng Chief Executive, sinabi nitong sa sandaling maayos na ang lahat ay makabisita sana sa Pilipinas si Putin at ito’y sa harap na rin ng ika-45 taong anibersaryo ng diplomatic relations ng dalawang bansa sa susunod na taon.

Isang mabuting kaibigan ang Russia ayon sa Pangulo at naging partner sa mga nakalipas na panahon ng Pilipinas sa aspeto ng defense and security, health, science and technology, at economy.

Ipinagpasalamat din ni Pangulong Duterte sa Russia ang inialok nitong
Sputnik V at kagustuhan nitong maibahagi ang kanilang kaalaman sa teknolohiya hinggil sa vaccine production.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.