Pres Duterte nagbanta, haharangin ang franchise renewal ng ABS-CBN

watch the video here:

Hindi makakaasa ng panibagong prangkisa ang ABS-CBN dahil kokontrahin ito ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Inihayag ito ng Pangulo sa kanyang talumpati sa pamamahagi ng titulo ng lupa sa mga Ati sa isla ng Boracay.

Sinabi ng Pangulo na haharangin niya ang hirit na renewal sa prangkisa ng ABS-CBN dahil sa pagiging estapador at pagiging bias umano sa kanilang report.

“ABS-CBN, pera pera lang sila dyan at kalakas ng loob ng mga P__inang mukha.
P__ina mo, niloko ninyo kami.

Kaya, kayo hindi ko kayo palusutin. Yung franchise ninyo matatapos, but let me ask you questions first.

Kasi ako talagang mag object na ma-renew kayo.

Alam mo bakit? Magnanakaw kayo…estapador. Ginawa ninyo sa amin marami kami.

Kaya, before you answer iyang mga commentators ninyo, kindly review the records sa network ninyo.

Mukha kayong pera lahat, mga P__ina ninyo!” – wika ni Pangulong Duterte

Nag-ugat ang galit ng Presidente sa campaign ads nito na binayaran niya ng dalawang milyong piso subalit hindi ginamit , at sa halip ay ipinalabas ang campaign ads ni Senador Antonio Trillanes IV na may batang nagsabing “kriminal si Duterte”.

Kahit alam aniya ng mga may-ari ng ABS-CBN na bawal ipalabas ang ads na iyon ni Trillanes dahil may utos ang korte ay sumige pa rin ang TV network.

Kasalukuyang nakatengga sa committee level ng kamara ang House Bill 4349 para sa renewal ng ABS-CBN franchise na nakatakdang mapaso sa 2020.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.