Pres Duterte nagbanta, uubusin ang mga drug smugglers sa bansa kahit depensahan ng CHR

10211

Pangulong Duterte binalaan ang mga sangkot sa illegal drug trade na tumigil na sa kanilang mga gawain dahil determinado umano siyang patayin ang mga ito.

Nakakasa pa rin ang war on drugs ng gobyernong Duterte dahil na rin sa patuloy na pagpasok ng droga sa Pilipinas.

Ang magandang balita ayon kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay wala na ang mga drug laboratories sa bansa.

Kabilang aniya ang shabu ng Bamboo triad at cocaine ng Mexico sa mga drogang ibinebenta ngayon sa iba’t ibang panig ng bansa.

“Don’t underestimate me. I already warned you. Kamong mga importers ana, yayariin ko talaga kayo,” ayon kay Pangulong Duterte.

 

Nagbabala rin ang Chief Executive sa mga opisyal ng militar, pulisya at pamahalaan na sangkot sa droga na itigil na ang kanilang mga iligal na gawain kung ayaw nilang mapahamak sa nagpapatuloy na kampanya ng pamahalaan.

Samantala, muli naman itong binatikos ang ilang human rights group dahil mas inuuna daw ng mga ito ang karapatan ng mga drug dealers kaysa sa mga biktima ng iligal na droga.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.