Pres. Duterte, paalis mamayang hapon patungong Thailand

Mamayang hapon ang alis ni Pangulong Rodrigo Duterte papuntang Bangkok, Thailand para sa kanyang magiging partisipasyon sa 35th ASEAN Summit.

Alas kuwatro ng hapon ang inaasahang paglipad ng Chief Executive, na manggagaling na ng Davao patungo ng Summit and Related Summits, na gagawin sa Nonthaburi, Thailand.

Bukas naman magsisimula ang opisyal na trabaho ng Pangulo para sa Summit, kasama ang iba pang heads of government and heads of state.

Magtatagal ang Pangulong Duterte sa Thailand hanggang Lunes, Nobyembre a-kuwatro.

Pagkagaling ng ASEAN Summit, dito naman inaasahan ang isang linggong pahinga ng Chief Executive, kasunod ng payo na rin ng doktor na siya’y maghinay-hinay sa ilang mga aktibidad, matapos na maaksidente kamakailan sa motorsiklo.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.