Pres. Duterte, pinayuhan ang publiko na huwag nang muling iboto si VP Leni Robredo ‘kawawa kayo’

Hinamon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang mga kritiko na magbigay ng suggestions para mapahusay ang war on drugs ng gobyerno partikular na si Vice President Leni Robredo.

watch the video here:

“‘Presidente, ganito, ganito, ganito, ganito.’ Tanong kita, ‘Oh, sige. Ano ang mabuting gawin natin?’ Ayan ang tanong ko sa kanya ngayon. Eh, madaldal ka doon. Nagdadaldal ka sa labas,” saad ng Pangulo.

Pero kung pamumulitika lang umano ang ginagawang pamumuna ng Bise Presidente ay sasabihan niya ang mga Pilipino na huwag itong iboto.

“But ang hindi ko malaman kung namumulitika ka. Pero kung namulitika, alam mo sabihin sa Pilipino? Ptn* i*a. ‘Wag kayo magboto diyan kay Leni. Kawawa kayo,” wika ng Pangulo.

Magugunitang inalok ni Duterte si Robredo para maging drug czar matapos sabihin ng huli na “obviously, not working” ang ginagawang kampanya kontra droga ng gobyerno.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.