Pres Duterte sa AFP: Iligtas ang mga batang ginawang NPA warriors

Iniatas ni Pangulong Rodrigo Duterte, Martes ng gabi, sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na iligtas ang mga kabataang dinakip at inarmasan umano ng New People’s Army (NPA).

“Itong mga NPA, kinukuha nila ‘yung mga anak, dinadala nila sa ibang lugar. Kunin ninyo ‘yung bata at isauli ninyo sa nanay pati tatay because a child, a minor, should not be separated from the family home,” ani Duterte sa situation briefing sa Tandag City, Surigao del Sur.

Giit pa ng Pangulo na hindi na kailangan pang kumuha ng search warrants ng mga sundalo pagpapasok sa kuta ng NPA.

“If the child is inside the house, there is already a crime committed, so you do not need a warrant to go in. Puntahan mo sa loob, kunin ‘yung mga bata at isauli mo (at the earliest opportunity,” ayon pa sa Pangulo.

Diin pa ng Pangulo na poprotektahan niya ang mga sundalo at aakuin ang lahat ng responsibilidad.

“Huwag kayong magpa-ano diyan sa komunista. Kapag nagkasabit-sabit kayo, sinabi ko na sa inyo ‘di ba? I assume full responsibility especially in prosecuting the war against the insurgents. Hulihin ninyo. Kapag magdemanda, sabihin mo “Huwag mo kaming i-demanda. I-demanda mo si Duterte,” dagdag pa ng Pangulo.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.