Pres. Duterte sa kumpanya na di makakuha ng prangkisa hanggat di naaayos ang atraso sa gobyerno

Ipinauubaya na ng Palasyo sa publiko ang pagbibigay ng konklusyon sa kung sino ang pinatutungkulan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang Talk to the Nation na may kinalaman sa tax liability ng isang kumpanya kaya’t hindi pa rin naaayos ang prangkisa.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, bahala na ang sinoman kung sino ang tinutumbok ng Pangulo na sinabihan nitong walang franchise na maigagawad kung hindi rin lang maaayos ang malaking halagang buwis na atraso nito sa gobyerno.

Sa banat ng Presidente, sinabi nitong hindi makikita ng hindi binanggit na kumpanya ang liwanag hanggat hindi malinis ang kamay nito sa paghingi nito ng prangkisa sa pamahalaan.

Mensahe ng Presidente, pagbabayad lang ng tamang buwis ang kasagutan para sa ninanais na franchise at kapag nangyari aniya iyon ay sasaluduhan niya pa ang naturang kumpanya in full attention.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.