Pres Duterte sa mga Pilipino: Pumalag sa nangongotong sa gobyerno

Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na nasa atin na ring mga Pilipino ang rason kung bakit marami pa ring korapisyon sa pamahalaan.

Ayon sa Chief Executive, kulang sa assertion o hindi marunong pumalag ang mga Pinoy sa mga pagkakataong binibiktima na sila ng mga nangongotong sa gobyerno.

Sabi ng Pangulo, madaling bumigay sa panghihingi ng mga tiwaling kawani ng pamahalaan ang mga Pilipino dahil sa dalawang bagay.

Isa rito, ang ayaw ma-deny sa ginagawa nilang transaksiyon at ang isa naman ay ayaw ng delay sa inaayos o nilalakad na papeles sa isang sangay ng pamahalaan.

Kaya panawagan ng Punong Ehekutibo sa mga Pilipino, matutong pumalag sa mga nangongotong dahil sa ganitong paraan lang din aniya siya maaaring matulungan ng bawat isa, sa nagpapatuloy na laban ng administrasyon kontra korapsiyon.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.