Pres. Duterte – VP Robredo, gumagawa na ng “grandstanding”

Nauuwi na sa grandstanding ang mga ginagawang hakbang ni Vice President Leni Robredo bilang co-chairperson ng Inter- Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).

Ito ang binigyan-diin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa gitna ng aniya’y kaliwa’t kanang pagsasalita nito sa publiko kasunod ng pagkakatalaga niya sa ICAD.

Sinabi ni Pangulong Duterte na inilalagay lang ng Bise Presidente sa jeopardy o alanganin ang bansa sa gitna ng sunod-sunod nitong pagsasalita sa madla na tila mistula na ring circus.

Ito ayon sa Chief Executive ang problema kay Robredo habang hindi rin itinago ng Pangulo ang pagkadisgusto nito sa ilan pang litanya ng Bise gaya ng mga balakin nitong imbitahan ang Human Rights Commission, pakikipag-usap sa United Nations at umanoy pagnanais pa ni Robredo na makausap ang iba pang mga dayuhang grupo na pawang kritiko sa drug war ng gobyerno.

Mensahe pa ng Pangulo kay Robredo, mag-isip-isip muna bago magbitiw ng kung ano-anong mga salita upang matiyak na hindi malalagay sa balag ng alanganin ang Republika.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.