Pres. Putin ipinangako na mas maraming Sputnik V shots para sa Pinas

Ipinangako ni Russian President Vladimir Putin ang mas maraming darating na Russia’s Sputnik V coronavirus (COVID-19) vaccines kasabay ng pagdiriwang ng Pilipinas at Russia ng 45 taon ng diplomatic relations noong Hunyo 2.

Ito ang pahayag ng Office of the President (OP) makaraan ang telesummit ni Presidente Duterte at Presidente Putin.

“President Putin said that Russia will increase the volume of deliveries of Sputnik V vaccines to the Philippines,” lahad ng OP.

“The President also thanked President Putin for making Sputnik V available to the Philippines and reiterated the importance of the expeditious delivery of ordered vaccines.”

Kasalukuyang 80,000 shots na ng Sputnik V vaccines ang dumating sa bansa.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.