Pres Xi Jinping, handang makipagtulungan kay Duterte para sa “greater win-win results”

Nangako si Chinese President Xi Jinping na palalakasin nito ang relasyon sa Pilipinas para maabot ang “greater win-win results”.

Ang pahayag ay kasabay ng paggunita sa ika-46 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng diplomatikong relasyon ng Pilipinas at China.

Sa sulat na ipinadala ni President Xi kay Pangulong Rodrigo Duterte, sinabi nito na ang China at Pilipinas ay “friendly neighbors” na mayroong “time-honored friendship”.

Aniya, handa ang China na makipagtulungan sa Pilipinas para sa pag-usad ng bilateral relations at mapanatili ito para maabot ang mutual benefits.

Una rito, sinabi ni Pangulong Duterte na mahalagang magkaroon ng win-win cooperation ang Pilipinas at China para mapanatili ang kapayapaan at kaunlaran ng dalawang bansa.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.