Presensya ng ASG members sa NCR, patunay na kailangan ang Anti-Terrorism bill

Mahalagang maging ganap na batas na ang Anti-Terrorism bill sa lalong madaling panahon.

Ito ang binigyang diin ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief General Felimon Santos, makaraang mapatay sa isang law enforcement operation ang mag-asawang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG), at dalawa pang kasamahan sa Parañaque, kaninang umaga.

Kinilala ang mga nasawing suspek na sina Bensaudi Sali at asawa nitong si Merhama Abdul Sawari, Rasmin Hussin at Jammal Kalliming.

Ayon kay Gen. Santos, ipinapakita ng presensya sa Metro Manila ng mga napatay na ASG, na balewala sa mga terorista ang nagaganap na pandemic sa Pilipinas at sa buong mundo.

Hindi aniya hadlang ang COVID-19 sa mga terorista para maghasik ng karahasan.

Kaya nakasalalay aniya sa Anti terrorism bill ang pampublikong seguridad at kaligtasan ng mga mamamayan.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.