President Duterte’s Health cancer nga ba? Endoscopy at Colonoscopy ipinaliwanag ni Doc Willie Ong

Naging usap-usapan ang kalusugan ngayon ni Pangulong Duterte kung may cancer nga ba talaga sya. Ipinaliwanag ni Doc Willie Ong ang mga ginawang procedure na Endoscopy at Colonoscopy kay Pres Duterte.

Kamakailan ay binanggit ni Pangulong Duterte ang nararamdaman kaya nagpatingin ito at hinihintay ang resulta ng biopsy kung anong paraan na gagawin kung ooperahan ba o hindi.

 

Ayon naman sa paliwanag ni Doc Lisa yong mga edad 50 pataas dapat nagpapacheck-up ng kanilang colonoscopy para mabantayan ang inyong kalusugan. Nagbigay ng mga tips para makaiwas ng pagkakaroon ng colon cancer kailangan: regular na exercise, kumaen ng maraming prutas at gulay, at huwag uminom ng alak at manigarilyo.

doc willie ong

Samantala nakiusap si Doc Willie na ipanalangin at ipagdasal natin ang Presidente na maging maayos ang resulta ng mga tests. Kahit supporter, neutral or opposition, maigi na ipagdasal natin ang bawat isa, lalo na kung may karamdaman din tayo.

Huwag sana tayo mangarap ng masama sa kapwa kahit masama loob natin. Dahil may epekto ang masamang salita sa ibang tao, at ayaw din natin bumalik ang karma sa atin.
Bilang doktor, tungkulin namin gamutin ang bawat pasyente, ano man estado, paniniwala o nagawa niya sa buhay. God bless po.

roque duterte1

Nanindigan naman ang Malacañang na malusog at malakas si Pangulong Rodrigo Duterte.

Inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque, na kung may karamdaman man ang Pangulo, ito’y sakit na normal lamang na nararamdaman ng mga nasa edad na 73 taong gulang na.

Hindi maituturing na isang exceptional o pambihirang sakit ang tinataglay ng Pangulo kung mayroon man, kundi karamdamang karaniwang dumadapo sa mga may edad.

Inamin naman ni Roque na hindi niya alam ang ginawang pagpapa-check up ng Presidente kamakalawa sa Cardinal Santos.

Mga panalangin ng mga netizens kay Pangulong Duterte:

doc willie ong

 

Source: Facebook

 

 

 

Facebook Comments

1 thought on “President Duterte’s Health cancer nga ba? Endoscopy at Colonoscopy ipinaliwanag ni Doc Willie Ong

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.