Presidente Duterte -Mga planong pakikipag-usap sa mga kilalang kritiko vs. drug war ni VP Robredo, nakaiinsulto

Isang malaking insulto para kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga hakbang na naisip ni Vice President Leni Robredo bilang co- chair ng Inter- Agency on  anti-illegal drugs.

Ito partikular ayon sa Pangulo ang patungkol sa planong pakikipag- usap ng Bise Presidente  sa European Union, Human Rights Commission at maging ang sinasabing gagawing pag- iimbita ng Bise sa prosecutor  ng Human Rights Commission.

Ayon sa Pangulo, hindi niya maintindihan kung bakit gayun na lang ang mga tinuran ni Robredo kasunod ng pagkakatalaga niya dito para maging bahagi ng anti- drug war ng gobyerno.

Dagdag ng Presidente na nainsulto rin siya sa tweet ni Phelim Kine na nagsabing handa na siyang arestuhin nito kasunod ng imbitasyon sa kanya ng Ikalawang pangulo.

Pero ang pinakamalaking insulto ayon sa Pangulo na natanggap niya ay nang ayaw tanggapin ng mga ito ang mga drug cases kontra kay Senadora Leila de Lima at sa halip ay kumbinsido pang isang political prisoner ang babaeng  mambabatas.

Kilalang kritiko sa drug war ng pamahalaan ang European Union at Human Rights Commission na umanoy nais makausap ni VP Leni na hindi naman ikinagusto ng Presidente.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.