Presidential Security Group, mga magbabanta sa buhay ni Pangulong Duterte, pamilya aarestuhin

Nagbabala ang Presidential Security Group (PSG) na aarestuhin ang lahat nang magbabanta sa buhay ni Pangulong Rodrigo Duterte maging sa buong pamilya nito.

“As we fight this pandemic, may we choose to utilize social media platforms to make useful contributions and not violate any law in expressing personal views and opinions,” sabi ni PSG chief Jesus Durante sa statement.

Ayon sa PSG, patuloy silang nakikipag-ugnayan sa mga law enforcement agency para i-monitor at hulihin ang sinumang gagawa ng nasabing paglabag sa batas.

Noong Martes, inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) at kinasuhan ng sedition ang isang public school teacher na si Ronnel Mas makaraang mag-alok ng P50M pabuya sa sinumang makakapatay kay Duterte.

Sinundan pa ito ng construction worker na si Ronald Deliaba Quiboyen na hinuli sa Malay, Aklan matapos ilagay sa Facebook ng P100M reward sa `kill Duterte’ post.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.