Primary suspek sa brutal na pamamaslang sa 16-anyos na si Christine Lee Silawan sa Cebu, naaresto sa Davao City

watch the video here:

Arestado ang isa sa diumano’y suspect sa brutal na pagpatay sa isang 16 anyos na dalagita sa Lapu lapu City, Cebu.

Sa ikinasang operasyon ng National Bureau of Investigation Davao, Mindanao Area Police Intel Office at Criminal Investigation and Detection Group Davao, nahuli ang suspect na si Jonas Bueno dito sa Davao City.

Si Bueno ay may existing warrant of arrest sa iba pang kasong murder.

Ayon kay NBI XI Assistant Regional Director Jonathan Balite, alas 5 ng hapon inaresto si Bueno na nagtatrabaho bilang construction worker sa isang construction site sa Matina Pangi dito sa lungsod.

Napag-alaman na apat na araw nang nagtatrabaho sa lugar ang suspek na gumagamit din umano ng ibang pangalan.

Patuloy pa ang isinasagawang interogasyon kay Bueno na mariing itinanggi ang krimen.

Matatandaang natagpuang patay sa bakanteng lote ang biktimang si Christine Silawan kung saan wala nang pang-iibang saplot at natalupan na ang mukha.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.