Priority bills ni PRRD ipapasa ngayong 2021 – House Speaker

Kumpiyansa si House Speaker Lord Allan Velasco na maipapasa bago matapos ang taon ang priority bills ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang 5 priority bills na tinukoy ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) ay ang panukalang pagtatag ng Philippine Virology Institute Act, Center for Disease Control Act, Amendments to the Continuing Professional Development Act of 2016, Bureau of Immigration Modernization Act at National Housing Development Act.

“Definitely, matatapos naman po natin ito before the year ends dahil kitang-kita naman po natin na ang Kongreso, ang Kamara po pag crunch time po eh nagdedeliver naman po,” paliwanag ni Velasco.

Maliban sa nabanggit na priority measures ay tututukan din ng Kamara ang pagpasa ng 2022 budget ngayong Oktubre.

Ayon kay Velasco may mga panukalang batas pa na kasama sa priority bills ni Pangulong Duterte ang naipasa na sa ikatlo at huling pagbasa sa House of Repesentatives at ngayon ay nakabinbin sa Senado.

Umaasa si Velasco na maipapasa ng Senado ang naaprubahan na nilang Internet Transactions Act at pagbuo ng Department of Migrant Workers and Overseas Filipinos.

“Some of the priority bills that were already passed into laws include the Corporate Recovery and Tax Incentive for Enterprises (CREATE) Act, Financial Institutions Strategic Transfer (FIST) Act, Coconut Farmers and Industry Trust Fund Act, and Bayanihan to Recover as One Act or Bayanihan 2” pagtatapos.pa ni Velasco.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.