Pro-Duterte vlogger kakasuhan ni Gabriela party-list Rep. Brosas

Magsasampa ng kaso si Gabriela party-list Representative Arlene Brosas laban sa isang vlogger na taga-suporta ni Pangulong Duterte sa umano’y pangha-harass.

“What he did to me is not a mere practical joke, but emotional and sexual harassment. This is a serious criminal offense and we will file a formal case soon,” ani Brosas sa isang virtual press conference.

Kinilala ito ni Brosas na si Niño Barzaga na aniya ay lumabag sa anti-wiretapping law.

Lahad ng mambabatas na nitong Hunyo 2, may hindi kilalang numero ang tumawag sa kanya na nagpakilalang Bishop Ted Bacani.

Aniya tinanong siya nito kung ano ang aktibidad ng Gabriela sa mga susunod na araw.

“Sinabi ko na magkakaroon ng Independence Day at Pride month-related bike activity ang aming partylist. Laking gulat ko nang bigla na lang akong minura ng caller, pinagsisigawan, at sinabihan ng mga malalaswang bagay. Agad kong binaba ang telepono,” paglalahad ni Brosas.

Matapos ang tawag, nakatanggap na ng mambabatas ng mga hate calls at texts.

“Nakatanggap ako ng napakaraming hate texts at calls sa aking personal number mula sa mga Duterte supporters na galit na galit sa pagiging kritikal ko sa running in tandem na sina Sara Duterte at President Rodrigo Duterte,” ani Brosas.

Ni-record aniya ni Barzaga ang pag-uusap nila at pinost sa social media nito.

“Hindi katanggap-tanggap ang lantarang pambabastos ng DDS vlogger na ito sa akin at sa iba pang mga public officials na nagsusulong ng karapatan ng mamamayan. Malakas ang loob ng mga DDS vloggers na ito dahil kasangga nila ang Presidenteng wala ring respeto sa kababaihan,” giit ni Brosas.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.